September 13, 2024

Home FEATURES

Pagtatalaga sa Maasin cathedral bilang national shrine, pinangunahan ni Cardinal Advincula

Pagtatalaga sa Maasin cathedral bilang national shrine, pinangunahan ni Cardinal Advincula
PHOTO: CBCP News

Mismong si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang nanguna sa pagtatalaga sa Maasin Cathedral o National Shrine and Parish of Our Lady of the Assumption sa Leyte, bilang isang national shrine nitong Miyerkules.

Sa kanyang pagninilay sa naturang aktibidad, nagpahayag ng pag-asa si Advincula na isasabuhay ng mga mananampalataya ang mga katangiang ipinamamalas ni Hesus upang kamtin ang kabanalan.

Ayon kay Advincula, tulad ng Mahal na Birheng Maria na isinasabuhay ang mga salita ng Diyos ay gawing huwaran ng mananampalatayang dadalaw sa national shrine ang mga gawi ng Mahal na Ina na gagabay tungo sa landas ni Hesus.

"This shrine is a sanctuarium not only because it feels holy or looks holy but because the people who come here are incarnating the call to holiness within their lives, embodying the virtues of Christ in their whole being...Raised, given, and embodied. These are the virtues of Mary assumed into heaven, body and soul. These too are the virtues of a church that we hope to receive from God. May our new national shrine become a place, a locus, a beacon, a milieu for these virtues," aniya pa.

Kahayupan (Pets)

Hit-and-run survivor na pusa, 3 taon nang naghahanap ng 'FURever' home

Ipinaliwanag pa ng arsobispo na tulad ng pangako ni Hesus sa pagtanggap ng sakramento sa binyag ng bawat isa ay nakikibahagi sa pangakong kaligtasan at buhay na walang hanggan.

Ayon sa cardinal, ang pagkatalagang national shrine ng Maasin Cathedral ay hindi nakabatay sa taglay na pisikal na anyo ng gusali kundi sa kabanalang hatid bilang dambana ng Panginoon.

"It is elevated to shrinehood because it would raise our gaze to heaven, to Easter, to forever. It is elevated to shrinehood because the community and the pilgrims here would help each other rise up in the hope of the resurrection," pahayag ng Cardinal.

Nabatid na ang Maasin Cathedral ang ika- 30 national shrine ng Pilipinas at kauna-unahan naman sa Eastern Visayas region.

Bukod sa daan-daang deboto at mananampalataya ng Diocese of Maasin, saksi rin sa makasaysayang pagdiriwang sa Leyte sina Maasin Bishop Precioso Cantillas, Calbayog Bishop Isabelo Abarquez, Bacolod Bishop Patricio Buzon, Catarman Administrator, Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco, Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo, Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias, mga kinatawan ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines sa pangunguna ni International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage Rector Fr. Reynante Tolentino at iba ang bisitang pari.

Matatandaang noong Hulyo sa ginanap na plenary assembly ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines sa Cagayan De Oro City inaprubahan ng mga obispo ang pagiging national shrine ng Maasin Cathedral at ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy ng Diocese of Novaliches.