Nanawagan sa fans at publiko ang isa sa mga miyembro ng Nation's all-female Pinoy pop group na "BINI" na si Gwen na kung maaari naman ay igalang ang kanilang privacy lalo na kung magpapa-picture sa kanila.
Sa kaniyang X post ay sinabi ni Gwen na may ilang fans daw ang nangangatok pa ng pintuan nila sa kuwarto para lang mag-request na makapagpa-selfie sa kanila.
Nabanggit ni Gwen na wala silang magawa kundi mag-adjust sa kanilang personal time dahil sa dami ng mga ganap nila, subalit nakiusap siya sa fans na igalang ang kanilang privacy lalo na kapag nasa loob ng hotel rooms.
"I really hope everyone respect people’s privacy yung personal time we’re trying to adjust eh kase wala ganon na talaga, pero kahit privacy na lang, we appreciate your love and support and we always try na mapagbigyan kayo sa pagpapicture but pleasee… not to the point you’ll go knock our rooms just for pictureThank you." aniya.
Dagdag pa niya, "Nakakalungkot, palala na [nang] palala."
Matatandaang hindi ito ang unang beses na umapela ng privacy ang grupo mula sa kanilang fans, lalo na kapag ineenjoy nila ang personal time kasama ang pamilya at mahal sa buhay.
Umani rin ng reaksiyon at kritisismo ang kanilang pagtatakip sa mukha gamit ang face mask, shades, at sumbrero kapag nasa pampublikong lugar, lalo na sa airport.
Kaya naman bilang "pang-aasar" ay nag-Jabawakeez peg sila sa airport nang papunta sila sa Davao para sa kanilang BINI concert.
MAKI-BALITA: BINI, inasar mga bashers
Isang nagngangalang "Tio Moreno" naman ang sumita sa kanila at nag-post pa ng open letter kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. upang busisiin daw kung may nilabag na batas ang grupo.
MAKI-BALITA: BINI, gawin daw example si Sarah Geronimo pagdating sa kasikatan
MAKI-BALITA: Writer, pinikon 'kulto' ng fans: 'Sarah Geronimo is better than BINI in all aspects!'
MAKI-BALITA: Tio Moreno, nag-open letter kay PBBM dahil sa 'pang-aasar' ng BINI