December 22, 2024

Home BALITA National

Lone bettor sa Davao del Sur, kumubra ng 157-M premyo sa PCSO

Lone bettor sa Davao del Sur, kumubra ng <b>₱</b>157-M premyo sa PCSO
(PCSO)

Kinubra na ng lalaking lone bettor mula sa Davao del Sur ang napanalunan niyang mahigit ₱157 milyon sa Super Lotto 6/49.

Ayon sa PCSO, ang naturang lotto game ay binola noong Hulyo 18, 2024 na may winning combination na 41-33-31-24-37-49 at premyong ₱157,395,155.60.

Sa pagtaya ng halagang ₱40 naging instant milyonaryo ang lone bettor. 

“'Yung isang combination po ay alaga ko talaga, pero iyong isa ay pinili ko lang nang basta na. Nagulat din ako na ‘yun ang nanalo,” saad ng 37-anyos na lucky winner sa panayam niya sa PCSO.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Gaya po ng pagtulong ng PCSO, gusto ko rin pong ibahagi ang aking napanalunan sa pagtulong sa aming komunidad,” dagdag pa niya.

Samantala, kumubra rin ng premyo ang isang 53-anyos na overseas Filipino worker (OFW). 

BASAHIN: OFW, umuwi ng 'Pinas para kubrahin ang ₱27M lotto jackpot prize