September 09, 2024

Home BALITA National

Habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa
Courtesy: PAGASA/website

Inaasahang makararanas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong Huwebes, Agosto 15, dulot ng southwest monsoon o habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdadala ang habagat ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Ilocos Region, Batanes, at Babuyan Islands.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Bukod dito, inaasahan ding magdudulot ang habagat ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms sa Cordillera Administrative Region at mga natitirang bahagi ng Cagayan Valley.

National

'Hindi sumuko!' PBBM, iginiit na napilitan lang lumitaw si Quiboloy

Samantala, medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms din naman ang posibleng maranasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa nasabing mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob man o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).