December 22, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Grammar sa signage ng sasakyan ni Carlos Yulo para sa parada, sinita ng netizens

Grammar sa signage ng sasakyan ni Carlos Yulo para sa parada, sinita ng netizens
Photo courtesy: ABS-CBN News via Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (FB)

Hindi nakaligtas sa mga "grammar nazi" ang tila maling grammar daw sa improvised signage ng sasakyang ginamit sa parada ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo nitong Miyerkules, Agosto 14.

Makikita ang larawan sa Facebook page ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila, na mula naman sa mga kuhang larawan ng ABS-CBN News, batay sa kanilang credits.

Mababasa sa signage ng sasakyan ni Caloy, "OLYMPIC 2 GOLD MEDALIST."

Umani ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. Anila, wala man lang daw nag-edit, o kung wala talaga, puwede naman tingnan sa mga apps at AI tools kung tama ang grammar, at kung ano ang wasto. Puwede rin daw magtanong sa mga eksperto. May mga nagsasabi namang tama naman ito at wala namang mali.

Human-Interest

BALITrivia: Si Santa Claus at ang kapaskuhan

"Nakakabother yung grammar ng signage hehehe"

"Dapat two-time Olympic gold medalist hahaha."

"Wala namang mali dyan ah, daming feeling tama, daming nagmamagaling."

"Dapat kasi 'Welcome Home, Golden Boy' ganon nalang dapat hahahahahahaha."

"Mali Mali na lang kayo lagi tas magkano Budget sa Float?"

"Pwede nmn alisin na ang Number 2. Doblehin nlng mukha ni Yulo."

"Ay siya, 'wag na mag-signage!"

Paglilinaw naman ng page sa comment section, " Mabuti nalang walang logo ang city at office namin dito. Sana gets na. Happy Thursday!"

Pati ang aktor na si Boom Labrusca, ama ni Tony Labrusca, ay napakomento rin dito.

"Bold is gold ... 2 is better than 1 ganun dapat," aniya.