December 23, 2024

Home FEATURES

Dating administrative consultant ng PCSO, bagong board member na ng MTRCB

Dating administrative consultant ng PCSO, bagong board member na ng MTRCB

Itinalaga bilang bagong board member ng Movie, Television Review and Classification Board (MTRCB) ang dating administrative consultant ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Glenn Patricio.

Isa si Patricio sa mga "youngest appointees" ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Nanumpa na nitong Hulyo 22, 2024 si Patricio kay MTRCB Chairwoman Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio.

Bago maging board member, mayroong successful career sa business si Patricio kung saan nahasa siya ng kaniyang mga kasanayan sa "management and strategic planning."

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ang pagiging administrative consultant naman sa PCSO ay nagbigay sa kaniya ng karanasan sa pag-navigate ng government operations at public service. 

Ang kaniyang mga natutuhan sa pagtatrabaho sa pribadong sektor at gobyerno ay magiging instrumento sa MTRCB, lalo't ang ahensya ay patuloy na nag-e-evolve sa fast-paced digital age. 

 “I am incredibly grateful for the trust and support they placed on me. It is a great privilege to be part of this team, and I am committed to contributing towards our shared goals of excellence of programming in TV and cinema, and the Philippine media as a whole," saad ni Patricio.

Sa kaniyang bagong journey, binigyang-diin ni Patricio ang importansya ng "wisdom" sa pamamahala, binanggit niya ang Proverbs 9:10,  “The fear of the Lord is the beginning of wisdom.” Panghahawakan aniya ito habang ginagampanan niya ang kaniyang mga responsibilidad sa MTRCB.

Nangako si Patricio na magco-contribute siya para ma-revitalize ang mga board policy upang maging relevant ito sa mga audience habang prinoprotektahan ang interes ng mga manonood.