December 22, 2024

Home BALITA Politics

Chavit may pa-₱5M kay Carlos Yulo para sa unity ng pamilya at jowa

Chavit may pa-₱5M kay Carlos Yulo para sa unity ng pamilya at jowa
Photo courtesy: Screenshot from Luis "Chavit" Singson (FB)/Chloe San Jose (FB)/Arnold Quizol (MB)

Dumagdag na naman ang milyones sa nakalululang cash incentives at rewards ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo, matapos mag-pledge si dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson ng -₱5 milyon para magkaisa na ang pamilya ni Caloy at partner niyang si Chloe San Jose.

Ayon kay Chavit, ang reward ay hindi lamang basta sa panalo ni Yulo kundi sa pagkakaisa at pagkakabati ng pamilya niya at ni Chloe, na naisapubliko pa ang hidwaan sa isa't isa.

Mababasa sa mismong Facebook page ni Chavit, " ’ ; , , , .”

"Hon. Luis 'Chavit' Singson pledges a ₱5 million reward to two-time Olympic champion Carlos Yulo and his family, hoping to foster unity within the family after their personal disputes were publicly shared and debated on various social media platforms."

Politics

Lorraine Badoy may patutsada kay Sen. Imee: 'She too is delusional!'

"Chavit, known for his strong commitment to family values, mentions that the reward is not only for Yulo's momentous achievements but also for the unity of Yulo's family and his partner."

"Chavit hopes that this reward will inspire others to cherish and support their loved ones, even in times of great endeavors and significant sacrifice," mababasa pa rito.

Facebook

Sey ni Chavit, masakit para sa kaniya ang makitang nagkakatalo-talo ang magkakapamilya, gayundin ang mahal sa buhay ni Caloy. Hindi man lang daw naimbita ang pamilya ni Caloy sa naganap na pagsalubong at parada. Kung magsasama-sama lang daw sila, ibibigay niya ang ₱5M sa kanila.

Kung halimbawa namang may ilang miyembro ng pamilya ang hindi magpunta, ibibigay pa rin daw ni Chavit ang premyo niya.

Nabanggit pa ni Chavit na gusto niyang magkaayos ang mag-ina dahil nakasaad din ito sa Sampung Utos ng Diyos, ang "Honor Thy Mother and Father."

"Ang importante sa akin magsama-sama sila," ani Chavit.

Wala pang update sa magkabilang kampo o partido kung kailan magaganap ang kanilang reconciliation.