Sa pakikipagtulungan ng mga empleyado mula sa SM City Bataan, namahagi ang SM Foundation ng 300 Kalinga Packs noong Agosto 9 sa mga pamilyang naapektuhan ng oil spill sa Barangay Lamao, Limay, Bataan.
Ang pamamahagi ng tulong ay isinagawa sa ilalim ng Operation Tulong Express (OPTE), isang programa ng SM Foundation na layuning maghatid ng tulong sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa SM Supermalls at SM Markets.
Ang OPTE kamakailan sa Limay ay nakatuon sa pagtulong sa mga apektadong pamilya, at pagbibigay ng essential supplies upang matugunan ang kanilang agarang pangangailangan.
Ang OPTE ay naglalayong magbigay ng agarang tulong panahon ng kalamidad at krisis. Mula nang itatag, ang OPTE ay matagumpay na nakapagpamigay ng mahigit 800,000 Kalinga Packs sa buong Pilipinas.