November 10, 2024

Home BALITA

Pinoy na gumagastos ng higit ₱64 sa meals kada araw, hindi hikahos sa pagkain

Pinoy na gumagastos ng higit ₱64 sa meals kada araw, hindi hikahos sa pagkain
Photo courtesy: Freepik

Hindi raw maituturing na "food poor" o naghihirap sa pagkain ang isang Pilipino kapag kaya niyang gumasta ng ₱64 pataas para matugunan ang tatlong meals sa loob ng isang araw, ayon mismo sa National Economic and Development Authority o NEDA.

Iyan ang sinabi ni NEDA Chief Arsenio Balisacan nang matanong ni Sen. Nancy Binay, kung paano nila kina-klasipika ang "food poor," sa isinagawang senate panel para sa Finance.

"As of 2023, a monthly food threshold for a family of five is ₱9,581, that comes out about ₱64 per person," pahayag ni Balisacan.

Nang linawin ni Sen. Binay kung tatlong meals na ba iyon sa isang araw (almusal, tanghalian, at hapunan), oo ang sagot ng NEDA Chief, na nangangahulugang sa isang meal ay may ₱20.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sumunod na tanong, sapat daw ba ang ₱20 halaga ng meal para sa isang tao? Sagot ng hepe ng NEDA, "The value of that basket has been adjusted for inflation, so 'yan actually 'yong adjusted for inflation na 'yon we’ll be revisiting. I think it’s due for revisit of that poverty threshold natin kasi medyo matagal na rin. More than a decade na 'yon since it was set. I think the changes in the economy warrant a revisit already of the threshold."

Paliwanag pa ni Balisacan, posibleng tumaas daw sa ₱67 ngayong 2024 ang halaga ng meals per day para masabing hindi ka hikahos sa pagkain, depende na rin sa inflation.