Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kasama ang unang ginang na si Louise Araneta-Marcos, na malugod nilang tinatanggap ang Singapore President na si Tharman Shanmugaratnam at asawa nitong si Mrs. Jane Yumiko Ittogi na bibisita sa Pilipinas sa Huwebes, Agosto 15.
Sa inilabas na press release ng Presidential Communication Office (PCO) nitong Miyerkules, Agosto 14, sinabi umano ng pangulo na patatatagin ng gobyerno niya ang kolaborasyon nito sa Singapore.
“President Marcos said he intends to reaffirm the Philippine government’s commitment to strengthening collaboration with Singapore during President Shanmugaratnam’s visit,” saad ng PCO.
“The two countries will continue to undertake cooperation, in both bilateral and multilateral milieus, including in the fields of energy and healthcare, among others,” anila.
Dagdag pa rito: “Aside from the bilateral meeting, the two leaders are also expected to witness the signing of memoranda of understanding (MOUs) on the recruitment of Filipino healthcare workers and collaboration on climate financing during the state visit.”
Ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na bibisita si Shanmugaratnam sa Pilipinas bilang pinuno ng Singapore. Matatandaang si Halimah Yacob ang huling Singaporean leader na bumisita sa bansa noong 2019.
Nagsimula ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Singapore noong 1969. At noong Mayo ay ipinagdiwang ng dalawang bansa ang samahang nabuo nito sa loob ng 55 taon.