January 15, 2025

Home BALITA National

Inabswelto ng Ombudsman: Konsehal ng Bamban, Tarlac, acting mayor na ngayon

Inabswelto ng Ombudsman: Konsehal ng Bamban, Tarlac, acting mayor na ngayon
MB photo by Mark Balmores

Si Konsehal Erano Timbang ang pansamantalang tatayo bilang ama ng Bamban, Tarlac matapos tanggalin ng Ombudsman si Alice Guo bilang alkalde. 

Nito lamang Martes, Agosto 13, nag-isyu ang Ombudsman ng dismissal kay Guo sa serbisyo matapos itong hatulang “guilty” ng grave misconduct.

MAKI-BALITA: Alice Guo, tinanggal na sa pagiging mayor ng Bamban, Tarlac

Sa batas, ang vice mayor dapat ang papalit sa tinanggal na mayor pero sa pagkakataong ito, suspendido rin si Vice Mayor Leonardo Anunciacion at iba pang opisyales ng Bamban.

National

Alice Guo at iba pa, posibleng makasuhan ng 62 counts of money laundering

Ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., inabswelto ng Ombudsan si Timbang nang mapag-alamang siya ang nag-oppose ng permit ng POGO sa Bamban. 

“Konsehal siya ng Sangguniang Bayan pero nag-oppose no'ng kinukuha ang permit. Since he opposed, he was absolved or acquitted by the Ombudsman,” saad ni Abalos. 

Dahil sa pagkaka-abswelto, si Timbang ang itinalagang acting mayor sa kaniyang lugar sa loob ng tatlong buwan. 

Nitong Miyerkules, Agosto 14, nanumpa si Timbang bilang acting mayor ng Bamban, Tarlac sa Camp Crame, Quezon City.