Pinuri ni Senador Risa Hontiveros ang naging desisyon ng Ombudsman na tanggalin na si Alice Guo bilang alkalde ng Bamban, Tarlac.
Nito lamang Martes, Agosto 13, nang mag-isyu ang Ombudsman ng dismissal kay Guo sa serbisyo matapos itong hatulang “guilty” ng grave misconduct.
MAKI-BALITA: Alice Guo, tinanggal na sa pagiging mayor ng Bamban, Tarlac
Sa isa namang pahayag nito ring Martes, tinawag ni Hontiveros ang hakbang ng Ombudsman bilang “sound and sensible judgment.”
“Alice Guo or Guo Hua Ping, a Chinese national, does not deserve to be a Philippine Mayor. She should have been stripped of that title immediately after we confirmed that she was not Filipino,” giit ni Hontiveros.
“Wala siyang karapatang magsilbi sa sambayanang Pilipino. At dapat mapanagot na siya sa paglabag niya sa ating mga batas,” dagdag niya.
Kaugnay nito, ipinahayag ng senadora na tiwala siyang mahuhuli na umano si Guo ng mga awtoridad.
“I trust that our law enforcers are working double time to catch this fugitive. All these cases against Alice Guo are well and good pero habang hindi siya nahahanap, hindi magiging ganap ang ating paghahanap ng hustisya,” saad ni Hontiveros.
Idinadawit si Guo sa na-raid na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Bamban, bagay na paulit-ulit naman niyang tinanggi.
Bukod dito, pinagsususpetsahang din si Guo na isa umanong Chinese national, kung saan isiwalat ni Hontiveros kamakailan na kinumpirma na ng National Bureau of Investigation (NBI) na iisa lamang si Guo at ang Chinese national na si “Guo Hua Ping.”
MAKI-BALITA: NBI, kinumpirmang iisa lang si Alice Guo at Guo Hua Ping -- Hontiveros