January 15, 2025

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

'National Aspin Day', ipagdiriwang sa Eastwood City sa Agosto 17

'National Aspin Day', ipagdiriwang sa Eastwood City sa Agosto 17
Courtesy: Eastwood City; Animal Kingdom Foundation (Facebook)

“Mark your calendars, Fur Parents!”

Inaanyayahan ng pamunuan ng Eastwood City at ng Animal Kingdom Foundation (AKF) ang mga fur parent na dumalo sa kanilang “paw-some celebration” para sa “National Aspin Day” sa darating na Sabado, Agosto 17, 2024.

Sa eksklusibong panayam na Balita, ibinahagi ng AKF na inaasahang magsisimula ang event dakong 11:00 ng umaga sa Sabado sa Central Plaza Eastwood City.

“May adoption and donation drive, may educational talks, and fun activities like photo booths,” pagbabahagi ng AKF sa Balita. 

Kahayupan (Pets)

Asong sumunod sa mag-jowang nakamotorsiklo, naibalik sa naghahanap na furparent

Kaugnay nito, nagbahagi na ang animal shelter ng mga larawan ng kanilang “adorable adoptables” na maghihintay ng kanilang forever families sa Sabado.

“Each one has a heart full of love to give and is ready to become your new best friend! Help us make their dreams come true,” anang AKF.

Bukod naman sa activities na nabanggit, ibinahagi sa Facebook post ng Eastwood City na magkakaroon din sila ng pet vaccination, sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa Quezon City Veterinary Department. Maaari rin daw i-enjoy sa pagdiriwang ang “Paws and Paint” sa pamamagitan naman ng partnership nila sa Silaw Art Space.

“From wagging tails to purring fluff balls, the magic of the human-animal bond knows no bounds. Let's celebrate the love we share with our Aspins and all pets! ,” saad ng Eastwood City sa kanilang post.

Taong 2021 nang ideklara ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang Agosto 18 kada taon bilang National Aspin Day upang bigyang pagkilala ang mga asong Pinoy o mas kilala bilang “aspin.”