December 22, 2024

Home FEATURES Human-Interest

'Mas maraming nakakaalam, mas maraming nakikialam' post ng engineer, relate-much

'Mas maraming nakakaalam, mas maraming nakikialam' post ng engineer, relate-much
Photo courtesy: Engr. Jaydee (FB)/Carlos Yulo (TikTok)/via Arnold Quizol (MB)

Maraming sumang-ayon at naka-relate sa Facebook post ng engineer-content creator na nagngangalang "Engr. Jaydee" matapos niyang maglabas ng reaksiyon at saloobin sa pinag-usapang "drama" sa pagitan ng bangayan ng mag-inang Carlos Yulo at Angelica Yulo, sabit pa ang kasintahan ng two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast.

Ayon sa post ni Engr. Jaydee, totoo nga raw na "Mas maraming nakaka-alam, mas maraming nakiki-alam." Sa tingin daw niya, si Angelica raw ang naunang maglabas ng kaniyang hinanakit laban sa anak, at dahil isang public figure na ang anak, dapat daw nitong harapin ang consequences ng kaniyang mga naging aksyon; na nagresulta na nga sa ibayong pambabatikos at pang-ookray sa kaniya, hanggang sa kinailangan na niyang magsagawa ng press conference upang linawin ang mga isyu, kasama ang legal counsel na si Atty. Raymond Fortun.

Sa nabanggit na presscon ay humingi na rin ng tawad ang ina sa mga nasabi niya patungkol sa anak at kay Chloe.

MAKI-BALITA: 'Patawad anak!' Angelica Yulo, bukas ang pintuan kay Carlos para pag-usapan mga isyu

Human-Interest

BALITrivia: Si Santa Claus at ang kapaskuhan

MAKI-BALITA: 'Mag-heal kayo!' Carlos Yulo napatawad na ang ina sa kabila ng mga ginawa sa kaniya

Para naman sa jowa ni Caloy na si Chloe San Jose, okay raw na buo ang suporta niya sa nobyo subalit kung kaya raw na huwag nang magbigay ng komento laban sa ina ng Olympic champion, mas mainam daw.

At para naman kay Carlos, " Naiintindihan namin ang 'bugso ng damdamin para magsalita' para maliwanagan ang lahat, it's also admirable that you have the courage to be a man and protect your partner. Dahil nagsalita ka na din in Public, I hope maiintindihan mo ang ibang comments lalo na ng mga ina, ng mga magulang at ng mga taong iba ang pananaw sa buhay."

"Tulad nga ng sinabi mong 'Lumaki si Chloe sa Australia kaya ibang iba siya magsalita at manamit' sana ay maintindihan mo din na ibang kultura nga ang kinalakihan nating mga Pilipino. We are all celebrating your success, wag mong isipin na ang pagka dismaya ng ibang magulang sa pagsasalita mo ay nangangahulugang ini invalidate na ang pagkapanalo mo sa Olympics. Magkaiba yon."

"Sana wala kang pagsisihan sa huli, sana dumating ang araw na magka ayos kayo ng nanay mo at magiging Masaya ang pamilya mo kasama ng napili mong Partner o mapapangasawa."

Pagkatapos ay nagbahagi rin si Engr. Jaydee ng kaniyang karanasan patungkol dito. Aniya, siya naman daw ay lumaking wala sa kaniyang tabi ang kaniyang mga magulang. Nagpakita lang daw ang nanay niya nang ganap na siyang inhinyero.

"I grew up without my parents, iniwan ako ng nanay ko sa bus when I was 8 years old at muli kaming nagkasama after 15 years sa Lamay pa mismo ng tatay ko nangyare ang reunion. Sabi ng mga tao sa paligid, nagpakita lang nanay ko kung kelan magiging Engineer na ako. Siya pa umakyat sa Stage during graduation," aniya.

Kahit mabigat ang kaniyang karanasan, mas minabuti raw niyang magpatawad na kahit hindi pa humihingi ng tawad sa kaniya ang mga nang-iwang magulang. Mas magaan daw sa damdamin at mas masarap ipagdiwang ang tagumpay.

"I just answered, I don't feel like I can celebrate my success if I am not spending it with my family. I don't feel like I can keep going, kung patuloy kung pinapasan ang bagahe ng nakaraan sa puso ko. Kaya matagal ko ng pinatawad ang mga magulang ko kahit di pa sila humihingi."

Pero paglilinaw ni Jaydee, "Maybe it's just me, maybe kanya2x lang tayo ng pananaw, o kayay sadyang iba't iba din ang goal at purpose naten sa buhay. Di ko sinasabing gumaya kayo saken."

"Baka sa tamang panahon, baka sa tamang lugar at pagkakataon, ay muli mong mayakap ang ina mo at maging okay na kayo ulit."

Sa pagpapatuloy pa niya sa comment section ng kaniyang post, sinabi niyang naisip na niya noon na "maghiganti" sa mga magulang niya. Sa lahat daw ng hirap na pinagdaanan niya, halos isumpa raw niya ang pangalan ng kaniyang mga magulang.

"When I was growing up, lahat ng motivation ko para makapagtapos ng Pag-aaral ay dahil gusto kong 'Maghigante' gusto ko maging successful kase gusto ko ipakita sa mga Magulang ko na kaya ko kahit wala sila. Halos Sampong taon kung Nilalakad ang 7 Kilometers, mga ilog at alikabok sa daan araw araw makapagtapos lang ng pag-aaral. Baon ko pa ay nakabalot sa dahon ng saging."

"Habang andon ako sa sitwasyong yon, sa totoo lang may mga araw na sinusumpa ko mga pangalan nila habang naglalakad akong umiiyak sa ulan."

Pero nagbago raw ang lahat nang makapagtapos na siya ng pag-aaral at makapasa na sa board exam.

"But when I finished my degree and passed the board exam, I felt the emptiness. There's no joy in experiencing that triumph without the people I wanna share it with."

"Kaya nagbago ang aking pananaw sa buhay. If it took me almost 20 years and the death of my dad to finally say I forgave my parents, we don't know how much time it will take for Caloy to finally see the light. Time is the only thing that can say it."

Kaya wish daw niya para sa Filipino pride, "Hugs Caloy, alam ko sinasabi mo na okay ka lang. Di mo pa mararamdaman lahat ngayon. For now enjoy your victory and trust the process."

Marami naman ang naka-relate sa post at nagbahagi rin ng kanilang reaksiyon, saloobin, at karanasan.

"Tama, dasal ko na magkaayos na kayo ng pamilya mo. Masarap i-celebrate ang tagumpay kung kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Congratulations!"

"Correct we were born different in some aspect. May family oriented meron hindi, may galante may maramot. May mahina, may malakas. May matalino may mahina ulo. Bawi ka na lang sa IBA mong anak na higit na nakakaunawa."

"Mas mabuti talaga ang nagpapatawad lalo na kung hindi naman ibang tao sa iyo."

"Buti na lang kahit mahirap lang kami hindi ko naranasan ang gano'n masarap mabuhay pag may pagmamahalan d'yan ako proud sa mama at papa ko di naman sila perfect pero andyan ang respeto at pagmamahal 'yong walang mga grudges between family."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 37k reactions, 3.2k shares, at 3.8k comments ang nabanggit na post.