November 26, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Lalaki, nag-resign sa trabaho dahil wala na raw oras sa jowa

Lalaki, nag-resign sa trabaho dahil wala na raw oras sa jowa

Kinaaliwan ng mga netizen ang isang ulat patungkol sa isang lalaking empleyado na nagpasa ng resignation letter sa kaniyang boss, para magbitiw na nga sa kaniyang trabaho.

Ang dahilan?

Wala na raw kasing "babe time" sa jowa niya!

Ayon sa ulat ng Brigada News Fm 103.1 Bacolod, isang lalaking service crew ang nagpasa ng kaniyang resignation letter dahil sobrang naaapektuhan na ang kaniyang love life. Lagi raw kasing nag-aaya ng date tuwing Biyernes at Sabado ang girlfriend niya, ngunit hindi siya makasipot dahil lagi siyang may duty.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Dagdag pa niya, sinasabihan siya ng kaniyang nobya na puro na lang ito dahilan mula Lunes hanggang Sabado, at hindi rin siya puwede tuwing Linggo dahil kailangan niyang maglaba at magsimba. Ayaw raw niyang hiwalayan siya ng jowa dahil lang sa kaniyang trabaho. Kaya humihiling siya na sana ay maintindihan ng kaniyang employer ang kaniyang desisyon.

Photo courtesy: DJ REMY/Brigada News Fm 103.1 Bacolod (FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Sa pagmamahal mong ganyan sa buhay, hindi malayo na may mangyaring masama sa'yo. Uuwi ka talaga sa bundok."

"Sana all kayang i-give up ang pera para sa jowa hahahaha."

"Loving-loving ngayon, iyak at hiwalayan later."

"Dapat mahalin ang trabaho dahil mahirap mawalan ng trabaho sa panahon ngayon. Ano pa kaya kung sabay kayong mawalan ng trabaho? Mag-out ka man ng 1 hanggang 2 oras para mag-date kayo ng nobyo mo, pero huwag mong pabayaan ang trabaho."

"Magde-date nga kayo, wala ka naman pang-date hahaha."

"Ay saan ka kukuha ng pang-date mo? Time management lang 'yan..."

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

-----------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.