December 22, 2024

Home SPORTS

Golden hair din! Isa pang babae sa likod ng tagumpay ni Carlos Yulo, pinusuan

Golden hair din! Isa pang babae sa likod ng tagumpay ni Carlos Yulo, pinusuan
Photo courtesy: Hazel Calawod (IG)/Screenshots from TV Patrol (ABS-CBN News/YouTube channel)

Bukod sa coaches, trainers, at personal na inspirasyon sa buhay ni two-time Olympics gold medalist at Filipino gymnast Carlos Yulo, pinapasalamatan din ng fans at supporters niya ang isa pang babaeng may "golden hair" na isa sa mga nasa likod ng tagumpay ng atleta sa nagdaang 2024 Paris Olympics.

Marami ang curious at nais pang makilala ang sports occupational therapist ni Caloy at ng iba pang atleta sa Olympics na si Hazel Calawod.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Hazel, isinalaysay ng therapist ang mga naging paghahanda nila ni Yulo bago masungkit ang gintong medalya.

Araw-araw daw niyang kinukuha ang datos ng bio mechanics ni Yulo upang matiyak na nasa maayos na kondisyon ang Pinoy gymnast. Tiniyak daw niyang nasa maayos na well-being din si Caloy kaya sinasamahan niya ito sa mga ehersisyo at pagsasanay.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

“Despite the physical aspect of being an athlete, a big battle within them really is how they are going to gain that momentum mentally,” saad naman niya sa panayam ng One Sports.

“Now that you’re getting a lot of technical information for the game plan, how is he managing it from a Carlos Yulo perspective.”

Bukod sa pagiging Australian-licensed at sports occupational therapist, si Hazel ay eksperto rin pagdating sa mental health, neuroscience, at wellness dahil sa pagiging mind coach. Siya rin ay isang Harvard-certified Human Factors Specialist at mahusay sa social relationships.

Noong Hulyo 27, 2024, bago sumalang sa Paris Olympics ay nagbigay pa ng kaniyang good luck post si Hazel kay Carlos at sa iba pang atletang kalahok dito.

"Today is Olympics qualifications day for our athlete Carlos Yulo. I can definitely say that my life this year, as being his Sports Occupational Therapist, has been quite colorful with all the competitions worldwide we intensively prepared for. Here’s a photo to commemorate all the mental, statistical, physical and spiritual work we had to do everyday to optimize Carlos for peak performance."

"I’ve grown in so many dimensions as a professional not only in the field of Sports Therapy but also in refining my skills in Data Analytics and Biomechanics," aniya pa.