January 15, 2025

Home BALITA Probinsya

Dagupan Super Health Center, binuksan ng DOH

Dagupan Super Health Center, binuksan ng DOH

Pormal nang binuksan ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region ang Dagupan City Super Health Center (SHC) sa Barangay Bolosan upang magkaloob ng medical services para sa mga eastern barangays ng lungsod, kabilang na ang Bolosan, Salisay, Mangin, Tebeng, Tambac at Mamalingling.

Sa abiso ng DOH nitong Martes, nabatid na ang naturang blessing at inagurasyon ay pinangunahan mismo nina Regional Director Paula Paz M. Sydiongco at Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez.

Ayon sa DOH, ang pasilidad ay pinondohan ng P10 milyon sa pamamagitan ng DOH Health Facility and Enhancement Program (HFEP).

Nagkaloob din naman ang city government of Dagupan ng karagdagang P5 milyon para sa proyekto, sanhi upang ito ang maging pinakamalaking SHC facility sa rehiyon, pagdating sa floor area at budget.

Probinsya

Bagong silang na sanggol, natagpuan sa damuhan

“This facility will provide services like dental, laboratory, X-ray, birthing facility, and other medical services complementing our existing primary care facilities. Ang pagpapatayo po ng mga super health centers sa bawat munisipyo ay upang mailapit ang mga pangunahing serbisyong medical sa mga tao sa komunidad upang hindi na sila pumunta pa at pumila sa mga hospital,” ayon kay Director Sydiongco.

“Every SHC has a birthing area/delivery room, minor OR/surgical room, ward, dental, laboratory, pharmacy, TB DOTS and other out-patient services to cater for residents in the community,” aniya pa.

Idinagdag pa niya na patuloy na isusulong ng regional office ang karapatan sa kalusugan ng mga mamamayan.

“Health awareness lays the foundation to better habits and improved health. And being conscious of your diet and lifestyle can improve your health and overall wellness,” aniya pa.

Ang konstruksiyon ng Dagupan SHC ay sinimulan noong Pebrero 2023 at nakumpleto noong Agosto 6, 2024.

Ang access road naman patungo sa pasilidad ay idinonate ng pilantropong si Dr. Ashok Vasandani.