September 13, 2024

Home FEATURES BALITAnaw

BALITAnaw: Naaalala mo pa ba ang nilalaro mong lato-lato?

BALITAnaw: Naaalala mo pa ba ang nilalaro mong lato-lato?
MB FILE PHOTO

Nag-viral noong nakaraang taon ang laruang lato-lato na kahit saan ka magpunta e hindi ka makakaligtas sa ingay nito.

Aminin mo, isa ka rin sa nahumaling sa lato-lato 'di ba? Patagalan pa nga kayo ng tropa mo sa pagpapaikot 'di ba? 

Anyways! Ating BALITAnawin ang kuwento sa likod ng trending na lato-lato.

Hindi tulad ng ilang mga balita na sa Indonesia umano ito nagsimula, ang laruang lato-lato ay naiulat na nagsimula sa Estados Unidos noong 1960's at sumikat noong 1970's.

BALITAnaw

BALITAnaw: Mga trahedyang nangyari tuwing nagdaan ang Friday the 13th

Una itong tinawag na "clackers" na unang nang gawa na tempered glass o acrylic. Ang dahil nga ganito ang materyal na gamit sa laruan na ito, ang American Consumer Product Safety Commission ay naglabas ng mga regulasyon, na kung saan ay kinakailangan munang maipasa ng mga manufacturer upang ipagbili sa merkado.

Tinawag din itong katto-katto, etek-etek, nok-nok sa Indonesia dahil sa tunog na inilalabas nito tuwing nilalaro. At click-clacks, knockers, ker-bangers, and clankers, sa US dahil sa paraan ng paglalaro nito.

Kasabay ng pagsikat ng laruang ito ay hindi rin maikukubli ang iba't ibang problema na kinaharap nito. Kaya naman, minsan na rin itong tinawag na "parent's nightmare" dahil sa hindi inaasahang insidente.

Minsan na rin itong naiulat na umano'y na-ban sa US, United Kingdom, at Canada dahil sa safety hazards nito at paggamit nito bilang sandata.

Gayumpaman, hindi maikakaila ang pagsikat nitong muli sa publiko na maging kahit na ang presidente ng Indonesia na si Joko Widido at Singapore’s Deputy Prime Minister Lawrence Wong ay naglalaro nito.