September 09, 2024

Home BALITA National

4.2-magnitude na lindol, tumama sa Zamboanga del Sur

4.2-magnitude na lindol, tumama sa Zamboanga del Sur
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.2 na lindol ang tumama sa Zamboanga del Sur nitong Martes ng madaling araw, Agosto 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:58 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Midsalip, Zamboanga del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Dumingag, at Molave, ZAMBOANGA DEL SUR at sa Sindangan, ZAMBOANGA DEL NORTE.

National

'Hindi sumuko!' PBBM, iginiit na napilitan lang lumitaw si Quiboloy

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.