Naghain ng panukalang batas si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte na isasailalim sa random drug testing ang mga halal na opisyal ng gobyerno, kabilang ang pangulo ng bansa.
Ayon sa House Bill 10744 na ipinapanukala ni Duterte, isasagawa umano sa mga opisyal ang nasabing pagsusuri sa pamamagitan ng hair follicle drug test kada anim na buwan.
Ipatutupad din ang boluntaryong random testing sa mga kakandidatong politiko 90 araw bago ang halalan bilang pag-amyenda sa layunin ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.
“Public office being a public trust, public officials shall also be subject to accountability measures such as mandatory random drug testing inclined with the officials' mandate of promoting the general welfare of the people, especially in terms of mitigating, if not totally eliminating, drug use and abuse in the community,” saad sa panukalang batas.
Kung sinoman empleyado o opisyal ng pamahalaan ang natuklasang positibo sa dangerous drug ay dapat suspendihin or paalisin sa katungkulan.