December 26, 2024

Home SPORTS

Netizens, masaya para kay Hidilyn Diaz pero kinabahan sa marble memorial

Netizens, masaya para kay Hidilyn Diaz pero kinabahan sa marble memorial
Photo courtesy: Hidilyn Diaz (IG)

Kasamang nakisaya sa kauna-unahang Filipino Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ang sambayanan matapos niyang bumisita sa Chapel of Our Lady of the Miraculous Medal sa Rue Du Bac, Paris, upang i-alay rito ang isang marble memorial para sa kaniyang pagkakapanalo sa 2020 Tokyo Olympics para sa women's weightlifting.

Makikita sa Instagram post ni Hidilyn ang pagbibigay-pugay niya sa chapel, kung saan, naniniwala siyang may basbas ng milagro mula sa Diyos ang kaniyang pagkapanalo sa Olympics, na nagbukas ng iba't ibang biyaya at oportunidad para sa kaniya.

Kasama ni Hidilyn ang kaniyang coach at mister na si Coach Julius Naranjo, gayundin si David Panlilio.

"Hindi ko makakalimutan ang Tokyo Olympics awarding kung saan sinuot ko ang Miraculous Medal kasama ang pinakaunang Olympic Gold ng Pilipinas," salaysay ni Hidilyn sa kaniyang Instagram post.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

"And now, here in Paris, last August 06, 2024 I finally fulfilled my dream of visiting the Chapel of Our Lady of the Miraculous Medal in Rue Du Bac. Dito sa Kapilyang ito nagpakita si Mama Mary kay St. Catherine Laboure at inatasan siyang ipalaganap ang Medalya Milagrosa. I offered a marble memorial at the chapel as a gesture of gratitude for winning the gold medal at the Tokyo 2020 Olympics."

"Kasama ko ang aking asawa, si Coach Julius Naranjo, and also David Panlilio, who joined me in making an offering at the altar, Nagdasal ako at nag nilay sa mga sagradong lugar ng Kapilya. I would always remind athletes na ang success natin ay galing sa Diyos, and we must never forget to give thanks to Him for all the blessings and graces na natatanggap natin."

"Gusto ko magpasalamat sa mga Filipino Sisters ng Daughters of Charity who manage the Chapel, for their warm welcome and care towards us, pati na din sa mga Seminarians of the Society of Foreign Missions of Paris who provided a tour of their seminary and assistance at the Chapel."

"Let us always pray the words inscribed on the medal: 'O Mary, conceived without sin, pray for us who have recourse to thee,'" aniya.

Nagpaabot naman ng pagbati para sa kaniya ang mga netizen sa comment section ng post.

"Napakabuti mo! Hinahangaan kong tunay ang walang katumbas na pananalig mo sa Diyos. Keep the faith!"

"You are a true class act, such a wonderful, prayerful representative of what is beautiful and strong in our country

Among our Filipino Olympians, you’ll always be the gold standard."

"ALL FOR THE GLORY OF GOD! AMEN may God continue to bless you!"

"Mama Mary loves you!!! God blessed! Please pray the Rosary EVERYDAY!"

"Our Champion in Sports and in Faith! God bless you Ma'am Hidilyn and Sir Julius! To God be All the Glory and Honor through the intercession of Mama Mary."

Subalit marami ring netizen ang tila "kinabahan" daw sa marble memorial na inialay niya sa kapilya, nang maiulat na ito gaya sa page ng "One Sports."

Akala raw ng mga netizen ay kung ano na ang nangyari kay Hidilyn pagkakita sa marble memorial.

"AKALA KO KUNG ANO NA KINABAHAN NAMAN AKO PARANG GOLD MEDALIST ANG ATAKE."

"katakot naman maging gold medalist may pa lapida"

"Kinabahan naman ako nang very light, kaya kinailangan ko muna tingnang mabuti."

"Muntik na ako umiyak eh... pero congrats, Hidilyn!"

"Akala ko anuna. Kinabahan Ako eh."

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Hidilyn sa mga "kaba" ng netizens.