October 06, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'May asim pa!' 61-anyos Pia Moran, may 32-year-old boyfie

'May asim pa!' 61-anyos Pia Moran, may 32-year-old boyfie
Photo courteys: Updated with Nelson Canlas/GMA and Pia Moran/IG

2020 pa raw nagkakilala, pero ngayong 2024 ang right time para sa pagmamahalan ng 61-anyos na aktres na si Pia Moran at 32-anyos niyang boyfriend na isang nurse. 

Sa interview ni Pia sa "Updated with Nelson Canlas" podcast kamakailan, sinabi niyang masayang-masaya siya ngayon dahil after seven years daw ay may boyfriend na siya ulit.

"Bago lang akong may boyfriend ngayon. Seven years akong walang boyfriend. So ngayon pa lang ako nagkaroon ng boyfriend," kwento ni Pia. 

Dagdag pa niya, “Enjoy na enjoy ako. Masayang-masaya ako ngayon dahil may boyfriend na ako."

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Nagkakilala raw sila ng kaniyang nobyong nurse noong 2020 sa Facebook pero hindi raw ito natuloy dahil busy raw sila pareho. 

At ngayong 2024 ang tila perfect time para sa kanilang dalawa. Ayon kay Pia, hindi niya raw naisip na magkakaboyfriend siya.

“I didn’t know na makakahanap ako at my age kasi happy na ako sa seven years na walang boyfriend eh. No problem, single, walang iniisip, ganyan, hindi iiyak. Ngayon, nag-boyfriend na naman ako. So, wala. Excited lang ako na magkaroon ng boyfriend ngayon. Masaya ako," sey ng aktres.

"Bago pa lang kami, months pa lang kami pero ‘yung feeling namin parang matagal na kaming mag-sweetheart. Gano’n ang feeling. I pray na magtuloy-tuloy ‘tong relasyon namin. Baka next year baka magpakasal or what, I don’t know, basta I pray for that," sey pa niya. 

Sa parehong interview, ikinuwento ng tinaguriang "Miss Body Language" kung bakit siya nawala sa showbiz. Aniya, nasangkot daw siya sa isang aksidente kung saan naapektuhan ang kaniyang mukha, at nagkaroon din umano siya ng "scandal."

Ngayon ay balik-showbiz na si Pia at mapapanood siya sa pelikulang "Lola Magdalena," na showing na ngayon sa mga sinehan. Kasama niya rito sina Gloria Diaz, Liza Lorena, Perla Bautista, at Sunshine Cruz.