Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng taas sa singil ng kuryente ngayong Agosto.
Sa abiso ng Meralco nitong Lunes, nabatid na aabot sa ₱0.0327 kada kilowatt-hour (kWh) ang ipapatupad nilang dagdag-singil ngayong buwan.
Bunsod nito, ang overall rate para sa isang typical household ay magiging ₱11.6339 na kada kWh mula sa dating ₱11.6012 lamang kada kWh noong Hulyo.
Nangangahulugan ito ng ₱7 dagdag sa bayarin ng residential customers na nakakakonsumo ng 200 kWh kada buwan; ₱10 para sa nakakakonsumo ng 300kwh; ₱13 para na nakakagamit ng 400kwh at ₱16 naman sa nakakagamit ng 500kwh kada buwan.
Ayon sa Meralco, ang naturang upward adjustmentay bunsod ng ₱0.1086 kada kWh na pagtaas ng transmission charges.