November 22, 2024

Home FEATURES Usapang Negosyo

CEO, na-depress matapos i-report sa FDA produkto nila

CEO, na-depress matapos i-report sa FDA produkto nila
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Talks (YT)

Isinalaysay ng chief executive officer na si Leo Ortiz ang pinagdaanan nilang pagsubok matapos i-report sa Food Drug Administration (FDA) ng competitor nila sa negosyo ang kanilang produkto.

Sa latest episode ng Toni Talks noong Linggo, Agosto 11, inilahad ni Leo ang dahilan kung bakit humantong sa legal at kriminal ang kasong isinampa sa kaniya.

“No’ng nage-start kasi ‘yong Glutalipo we forgot to process early ‘yong aming papers no’n [FDA]. Kasi akala namin, mabilis siyang lalabas no’ng time na ‘yon. Na-launch na namin ‘yong product bago po namin pinrocess ‘yong FDA,” pagbabahagi ni Leo.

“‘Yon pala, kapag on process siya considered hindi siya FDA approved pa no’ng time na ‘yon. Parang illegal pa po siya. Hanggang sa may competitor po yata kami sa gluta, ni-report po kami sa FDA,” wika niya.

Usapang Negosyo

Kahit maagang naulila: Pinoy dishwasher, nagsumikap; isa nang restaurant owner

Ayon sa kuwento ni Leo, nasa Hongkong umano sila ng partner niyang si Jeff para sana makapag-relax at unwind nang natanggap niya ang balitang dinakip umano ng mga pulis ang sampung staff niya. 

Bagama’t pinaaksyunan niya raw agad ang nasabing isyu, hindi raw agad nakalabas ang kaniyang mga tauhan sapagkat holiday noong panahong iyon kaya tumagal ang mga ito nang pitong araw sa loob.

“Ako po ‘yong talagang nagisa sa hearing. Medyo talagang pinush po ‘yong kaso na ‘yon, e. Kahit dapat administrative case lang siya, pero naging legal and criminal case siya,” saad ni Leo.

Dagdag pa niya: “Actually, na-convict ako do’n. Related po sa FDA na non-compliance with a CPR or Certificate of Product Registration. ‘Pag naaalala ko ‘yon, sobrang naiiyak po ako. Kasi convicted ako, parang criminal na ba ako?”

Kaya minsan, natatakot daw siya kapag bibiyahe kung saan dahil baka bigla na lang umano siyang harangin dahil sa naging hatol ng korte sa kaniya.

Pero nagpapasalamat pa rin siya sa biyaya umano ng Panginoon at sa pagkakaroon ng support system sa pamamagitan ng kaniyang partner, pamilya, kaibigan, distributors dahil muli niyang naibangon ang sarili.

“Kahit papaano, nabawasan ‘yong napi-feel naming depresyon, frustration, takot. May takot pa rin po kasi syempre hindi naman kami sanay sa gano’n,” aniya.