November 13, 2024

Home BALITA

Kasabwat daw sa pagpaslang kay Percy Lapid, biglang namatay nang aarestuhin na?

Kasabwat daw sa pagpaslang kay Percy Lapid, biglang namatay nang aarestuhin na?
Photo Courtesy: Balita File Photo, NCRPO via GMA Integrated News

Namatay umano ang kasabwat ng self-confessed gunman na si Joel Escorial sa pagpaslang sa batikang broadcaster na si Percy Lapid nang bigyan ng arrest warrant ng mga awtoridad sa Lipa, Batangas nitong Linggo, Agosto 11.

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News, kinilala ang lalaki na si “alyas Orly” na kasama umano ni Escorial sa pagpaplanong itumba ang mamamahayag.

Sa panayam sa Super Radyo DZBB kay PMGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., regional director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), isinalaysay niya ang nangyaring pag-aresto kay Orly.

“No’ng pumasok tayo d’on sa lugar nila…na-pinpoint natin ‘yong isang bahay. No’ng sine-serve natin ‘yong warrant of arrest, alam natin na armed and dangerous siya so we employed ‘yong SWAT ng Calabarzon,” saad ni Nartatez Jr.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Nag-hold out po siya do’n. Hindi siya sumuko. In fact, hinostage niya ang kaniyang live-in partner at kaniyang maliit na bata, anak niya po ‘yon. Nakipag-negotiate tayo. Umabot ng alas-kwatro ng madaling-araw,” wika niya.

Dagdag pa ng regional director: “Pinatawag po natin ang barangay kapitan kasi pinatawag niya po… ‘Yong  kamag-anak niya do’n, pumunta naman do’n at nakipag-negotiate resulting to release no’ng kaniyang live in partner saka ‘yong bata. “

Pero pagkatapos umanong pakawalan ang mga hostage, binaril umano ni Orly ang sarili sa harap mismo ng kapitan at kamag-anak nito.

Kalaunan ay nakilala umano ng mga pulis si alyas Orly bilang si Jake Mendoza, 40-anyos, na inaresto noong Nobyembre 2020 at nakulong dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Nauna nang sumuko si Escorial matapos daw niyang makita ang kaniyang mukha sa closed-circuit television (CCTV) camera na isa sa mga suspek sa pagpatay kay Lapid.

Matatandaang si Lapid ay pinagbabaril habang sakay ng kaniyang kotse pauwi sa BF Resort Village, Las Piñas City noong Oktubre 3, 2022.

MAKI-BALITA: 'Gunman' sa pagpatay kay Percy Lapid, kinasuhan na!