December 23, 2024

Home SPORTS

Fans, dismayado sa kawalan ng maayos na uniporme ng PH Olympic golfers

Fans, dismayado sa kawalan ng maayos na uniporme ng PH Olympic golfers

Naimbyerna hindi lamang ang mismong kinatawan ng Pilipinas sa sports na golf sa 2024 Paris Olympics at kanilang mga kaanak sa tila kawalan nila ng maayos na uniporme sa nabanggit na sports event kundi maging ang fans at netizens.

Matatandaang nag-viral ang video ng isa sa mga Pinoy golfer na si Dottie Ardina matapos niyang ipakita kung paano niya kinakabitan ng patch ang kaniyang biniling polo shirt gamit ang double adhesive tape. Aniya sa video na ibinahagi ng kaniyang ina, wala raw ibinigay na uniporme sa kanila at kinakailangan pa nilang magpaluwal sa sariling bulsa para naman maging mas maayos at presentable ang kanilang hitsura sa laban.

Hindi naiwasan ng Pinoy golfer na maikumpara ang sitwasyon nila ng kasamang si Bianca Pagdanganan sa mga kinatawang atleta ng ibang bansa.

“Sana all with uniforms. Kami lang ang wala. Kailangan pa bumili ng t-shirts. Diyos ko, ano bang klaseng Olympics ito."

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"Shout out naman diyan, sa mga nagbigay ng uniforms natin, saan na napunta? Dalawa na lang kami dito, 22 lang ang atleta, kulang-kulang pa.”

“Nakakahiya. Sobra-sobrang tao, kami lang walang uniform, tuklap-tuklap pa ito.”

Nagsalita naman sa isang joint statement ang National Golf Association of the Philippines at Philippine Olympic Committee. Anila, may nakalaang uniporme para sa Pinoy golfers subalit hindi raw ito nagkaroon ng clearance sa custom ng Paris. Hindi raw na-aprub ang inilaang uniporme ng sponsor na "Adidas" kaya kinakailangan daw magkaroon ng pagbabago subalit hindi ito kaagad na nakarating. Nang maipadala naman ang mga bagong uniporme at gear sa Paris ay huli na.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Sad na wala kayong uniforms provided by the Philippine Olympic Committee."

"Kaloka yan teh ano nangyari sa flag nka tape lng..local club tour nga may uniform ang players sa Olympic waley.."

"OMG nakaka-sad naman ito!"

"Good luck, Dottie and Bianca! Salamat sa laban! Mabuhay kayo!"

"Months to prepare. Walang nagawa ang POC."

"Salamat sa inyong dedication para ma represent our country. Mabuhay kayo!"

Samantala, ibinigay pa rin nina Adina at Pagdanganan ang kanilang pinakamahusay na makakaya para sa nabanggit na kategorya.

Pumang-apat sa puwesto si Pagdanganan na maituturing na "best result" sa isang Pinoy golfer sa Olympics, samantalang si Adina naman ay nakapasok sa Top 15. Kahati ni Pagdanganan sa fourth spot sina Hannah Green ng Australia, Amy Yang ng South Korea, at Miyu Yamashita ng Japan.