November 08, 2024

Home BALITA National

Bakasyon ng mga mambabatas, dapat bawasan sey ni DJ Chacha

Bakasyon ng mga mambabatas, dapat bawasan sey ni DJ Chacha
Photo Courtesy: DJ Chacha (IG), Senate of the Philippines (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang TV at radio personality na si DJ Chacha hinggil sa panukala ni Senate President Chiz Escudero na babawasan umano ang mga holiday sa Pilipinas.

Sa X post ni DJ Chacha nitong Linggo, Agosto 11, sinabi niya na ang dapat umanong bawasan ay ang bakasyon ng mga mambabatas.

“Ang dapat bawasan ay yung mahabang bakasyon ng mga mambabatas. Ang mga ordinaryong manggagawa bilang lang ang paid leave,” saad ni DJ Chacha.

Tanong pa niya: “Kayo po, gaano katagal ulit ang break sa isang taon?”

National

Giit ni Romualdez: Trahedya ng Bagyong Yolanda ‘di na raw dapat maulit

Sumang-ayon naman ang maraming netizens sa sentimyentong ito ng radio at TV personality. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:"Truth!!!! Pwede rin bawasan ang numero mismo ng mambabatas db!"

"Ang dami pa dapat mas importanti unahin ito pa tlga mga sir bka gusto niyo po yung break niyo po muna bawasan. Hays PILIPINAS"

"Kaya sayo kami dj chacha eh hahahaha agree kami sayo."

"for the first time, I agree with you"

"Ito mahirap sa mambabatas na hindi galing sa hirap."

"Truuu mhieee. Sila naman tong incompetent at unproductive. Dapat kayo ang bawasan ng bakasyon, letseee!"

"Korek! sila yung hindi productive!"

Matatandaang inilahad ni Escudero na nagkasundo umano ang senado na limitahan ang mga holiday sa Pilipinas sapagkat nagiging less competitive umano ang mga kompanya at manggagawa sa bansa.

Pero sa isang panayam ng pangulo ng senado, nilinaw niya na hindi naman umano babawasan ang mga holiday sa Pilipinas, bagkus ay hindi na lamang daw ito dadagdagan.

MAKI-BALITA: SP Chiz kumambyo, may klinaro hinggil sa plano sa PH holidays