Nagbigay ng pahayag ang TV network na TV5 kaugnay sa independent contractor nila na sangkot umano sa isyu ng sexual harassment.
Sa Facebook post ng TV5 noong Biyernes, Agosto 9, sinabi nila na malay umano sila tungkol sa insidente umano ng kanilang empleyado at independent contractor.
“We have released the necessary Notice To Explain and are conducting an investigation to determine the facts so we may take the appropriate action,” pahayag ng TV5.
“We have reached out to the persons concerned and are gathering information. Rest assured that the rights and welfare of all parties shall be protected,” anila.
Dagdag pa ng TV network: “TV5 remains committed to fostering a safe working environment. We ask everyone to kindly reserve judgment pending our investigation.”
Matatandaang isang lalaking talent ng TV5 ang dumulog sa programang “Wanted sa Radyo” ni Senador Raffy Tulfo para ireklamo ang lalaking program manager umano ng nasabing TV network na humalay sa kaniya.
Matapos marinig ang panig ng talent ay nagbanta si Tulfo na aalis sa programa niyang “Kapatid mo, Idol Raffy” kapag hindi inaksyonan ng TV5 ang nasabing isyu.