December 23, 2024

Home FEATURES Trending

Ina ni Emilio Aguinaldo, suspek sa pagpatay kay Antonio Luna?

Ina ni Emilio Aguinaldo, suspek sa pagpatay kay Antonio Luna?
Photo Courtesy: NHCP Museo ni Emilio Aguinaldo (FB), Screenshot from TBA Studios (YT)

“Ano, nagalaw pa ba ‘yan?”

Posibleng pamilyar sa sinomang nakapanood ng pelikulang “Heneral Luna” ang nasabing linya sapagkat sinambit umano ito ng ina ni Emilio Aguinaldo na si Trinidad Famy matapos patayin si Antonio Luna sa Cabanatuan City noong Hunyo 5, 1899. 

Pero sa ibang bersyon ng kuwento, ganito raw ang sinabi ni Doña Trinidad: “Bakit n’yo pinatay ang Heneral? Hindi niyo ba siya kilala?”

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin talaga kung sino ang tunay na salarin sa kamatayan ni Luna na tinagurian umanong “the greatest general of the Philippine revolution” ng historian na si Gregorio Zaide.

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, makaraming naka-relate

Kaya naman hindi nakapagtatakang naging usap-usapan ang Facebook post ng isang netizen na nagngangalang “Pepe Alas” dahil sa “ibinalita” niya tungkol sa heneral.

Sa Facebook post kasi ni Pepe noong Biyernes, Agosto 9, sinabi niya na isiniwalat umano ng historyador na si Ambeth Ocampo sa talk nito na si Doña Trinidad daw talaga ang nag-utos na ipapatay si Luna.

“BREAKING NEWS: Ambeth R. Ocampo reveals at the GSIS Historians' Fair that it was actually Emilio Aguinaldo's mother (Trinidad Famy de Aguinaldo) who ordered the assassination of Antonio Luna!” saad ni Pepe.

Ngunit may ibang testamento ang ilang nakapanood sa talk ni Ocampo sa GSIS Museo ng Sining. Ayon sa Facebook post ni Ericka Buenaflor, wala umanong deklarasyon ang historyador na si Trinidad talaga ang salarin.

“There wasn’t actually a declaration earlier that it was indeed the mother of Aguinaldo who ordered the assassination of General Luna in Cabanatuan. Prof. Ambeth only spoke from the sources that he has and connected it with each other to form a claim,” saad niya.

Dagdag pa niya: “What Prof. Ambeth said earlier is a matter of historical interpretation; not a declaration or a ‘revelation’ of a newly discovered perfect piece of our past.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, burado na ang post ni Pepe na umabot din sa mahigit 108k reactions, 3k comments, at 55k shares. Humingi rin siya ng paumanhin sa kaniyang nasabi.

“I would like to apologize to him and to all his fellow historians who were disturbed by my post. I will offer no excuses, just that I'm sorry,” aniya.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Ocampo tungkol sa usaping ito.