Naghayag ng pagkaalarma ang Gabriela Women’s Party hinggil sa pananamantala umano kay Vivamax sexy actress Angeli Khang sa paggawa nito ng sexy scenes sa mga pelikula.
Sa ulat ng ABS-CBN News kamakailan, sinabi umano ni legislative consultant for young women's affairs at dating House representatives ng Kabataan Partylist Sarah Elago na nag-alala sila sa isiniwalat ni Angeli tungkol sa trabaho nito.
"We are concerned over the recent revelations made by actress Angeli Khang regarding her experiences in the film industry,” saad ni Elago.
“Her admission of feeling 'taken advantage of' while filming... is a manifestation of the pervasive exploitation that women continue to face," aniya.
Dagdag pa niya: "Such behavior represents a gross breach of consent and professional ethics that cannot be tolerated in any workplace, much less in an industry that wields significant influence over societal norms and values."
Kaya naman sa darating na budget hearing kasama ang Movie and Television Review and Classification Board, idudulog umano nina Elago ang nasabing isyu.
"We will raise these concerns during the budget hearing with the MTRCB. We will also introduce legislative measures that will address women's concerns in the local entertainment industry,” aniya.
Matatandaang inamin ni Angeli na nakaramdaman umano siya ng pananamantala sa ginagawa niyang sexy scenes nang sumalang siya sa isang episode ng “Toni Talks.”
MAKI-BALITA: Angeli Khang, natsansingan ng ilang co-actors