January 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Davao Occidental, niyanig ng M.5 na lindol; aftershocks, asahan!

Davao Occidental, niyanig ng M.5 na lindol; aftershocks, asahan!
(Phivolcs)

Inaasahan ang aftershocks sa Davao Occidental matapos itong yanigin ng magnitude-5.0 na lindol nitong Sabado ng tanghali, Agosto 10.

Sa datos na inilabas ng Phivolcs, nangyari ang lindo bandang 1:14 p.m. sa Jose Abad Santos, Davao Occidental na may lalim na 50 kilometro. 

Dagdag pa ng ahensya, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Bagamat may inaasahang aftershocks, wala naman daw aasahang pinsala. 

Probinsya

Taxi driver na tinangkang molestiyahin pasahero niya sa Davao City, tinutugis na!

Nito lang din Sabado, niyanig din ng magnitude-4 ang Ilocos Sur.

BASAHIN: Ilocos Sur, niyanig ng magnitude-4 na lindol