November 25, 2024

Home BALITA National

VP Sara, pinuna ang gobyerno 'para sa bayan'

VP Sara, pinuna ang gobyerno 'para sa bayan'
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Ipinaliwanag ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang naging pahayag noong Miyerkules, Agosto 7, kung saan pinuna niya ang pamahalaan.

Matatandaang noong Miyerkules nang iginiit na pinamumunuan umano ang bansa ng mga “taong walang katapatan sa trabahong sinumpaan.”

“Ang Pilipinas ngayon ay patuloy na nagugutom, naghihirap, at lumulubog nang dahil sa mga mapanlinlang para maupo sa pwesto,” ani Duterte sa kaniyang pahayag.

“Pagod na pagod na tayong makita ang bayan na napag-iiwanan, tinatrato na parang walang halaga, hindi kaaya-aya, at sunod-sunuran sa ibang lahi. We, Filipinos, deserve more than what we are hearing and seeing from the government right now. We, Filipinos, deserve better,” dagdag niya.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Kaugnay nito, sa isang panayam ng Sonshine Media Network International (SMNI) nitong Huwebes, Agosto 8, na inulat ng Manila Bulletin, ipinaliwanag ni Duterte na inilabas daw niya ang naturang pahayag dahil hindi umano siya gumagalaw para sa politika kundi “para sa bayan” dahil nanumpa raw ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno na pagsisilbihan ang bansa.

“Hindi ako gumagalaw para sa administrasyon, hindi ako gumagalaw para sa oposisyon, hindi politika kundi para sa bayan,” ani Duterte.

“So, kung ano 'yung sa tingin ko ay tama para sa bayan, iyon 'yung sinasabi ko. So, 'yung frustration ko as a Vice President and as a Filipino, sa mga nangyayari o naririnig natin sa ating gobyerno, nilabas ko doon sa statement,” saad pa niya.

Samantala, sa naturang panayam ay inihayag din ng bise presidente na hindi na raw sila nagkakausap at nagkikita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

MAKI-BALITA: VP Sara, sinabing hindi na sila nag-uusap at nagkikita ni PBBM

Sina Marcos at Duterte ang mag-running mate noong 2022 national elections sa ilalim ng ticket ng UniTeam. 

Umusbong naman muli ang usap-usapan ng pagkakaroon ng lamat sa samahan nina Marcos at Duterte matapos bumaba ang huli sa kaniyang puwesto bilang kasapi ng gabinete.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

Hindi rin dumalo at maging nanonood si Duterte kamakailan sa State of the Nation Address (SONA) ni Marcos.

MAKI-BALITA: Hindi dadalo: VP Sara, 'di rin papanoorin SONA ni PBBM sa TV, gadgets