November 25, 2024

Home BALITA National

Pork producers, nanawagang magdeklara ng state of calamity dahil sa ASF

Pork producers, nanawagang magdeklara ng state of calamity dahil sa ASF
MB file photo

Nanawagan ang Pork Producers Federation of the Philippines sa pamahalaan na isailalim na ang buong bansa sa state of calamity dahil patuloy umanong tumataas ang mga kaso ng African swine fever (ASF).

Base sa ulat ng ABS-CBN News, iginiit ni Nicanor Briones, tagapangulo ng Pro-Pork at AGAP Party-list Representative, na mahalagang isailalim sa state of calamity ang bansa dahil sa ASF upang makapaglaan din ang pamahalaan ng calamity funds para sa pagpapabakuna laban dito.

“Makukuha ‘yan sa calamity fund or pwedeng gawin kaagad ng ating mahal na Pangulo. Ang bilis kumakalat eh. Kung hindi mapipigilan ang pagkaubos ng inahin at bulugan, malaki pa rin talaga ang magiging problema natin. Maraming mawawalang baboy kung mahuhuli ‘yung pagbabakuna,” ani Briones.

Ayon sa kamakailang datos ng Department of Agriculture (DA), bumaba ang populasyon ng baboy sa 9.9 milyon mula sa 12.7 milyon, bago natukoy ang mga kaso ng ASF noong 2019.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Naghahanda naman na raw ang DA ng emergency procurement para sa ASF vaccines kasunod ng outbreak sa Batangas.

Tinatayang walong bayan daw sa Batangas ang may aktibong kaso ng ASF, kung saan isinailalim na raw sa state of calamity ang mga munisipalidad ng Lobo at Calatagan.

Target naman umano ng ahensya na i-roll out ang bakuna para sa ASF sa buwan ng Setyembre.