"She took my ATM and sinangla ito without my consent... ang hirap maging human retirement plan."
Ito ang sambit ng isang panganay na netizen sa isang online platform nang ikwento niya kung paano kumukuha umano ng pera ang nanay niya nang walang paalam.
Sa isang Facebook group, ibinahagi ng group admin ang isang screenshot tungkol sa kwento ng isang anak na panganay, may titulo itong "galit na galit si mama kay Carlos Yulo."
Kwento ng netizen, napanood daw nila ang statement nina Carlos at girlfriend nitong si Chloe San Jose. Siya raw ay pabor kay Carlos dahil alam niya kung ano ang pakiramdam nito.
BASAHIN: Carlos nagsalita na sa hidwaan nila ng nanay niya; sariling pera, itinago raw sa kaniya?
Aniya, galit na galit daw ang nanay niya kay Carlos at naging keyboard warrior pa raw ito sa Facebook.
"Si mama galit na galit biglang nating keyboard warrior. I even saw some of her comments against carlos sa FB [Facebook]," aniya.
"Nakakainis lang na at this point, she really thinks na okay lang kumuha ng pera ng anak na walang consent, kasi nanay siya at anak lang daw ako. What Carlos experience, I have experienced it too at sobrang hirap," dagdag pa niya.
Inisa-isa ng anak ang mga ginawa umano ng kaniyang nanay sa kaniya.
"She took my ATM and sinangla ito without my consent."
"Kumukuha ng pera sa wallet ko without my consent."
"Used my IDs, other personal documents to get a loan without my consent."
"Used my name, gumawa ng kwento-kwento para makahiram ng pera sa iba without my consent."
"Umuutang sa akin ng pera at hindi nagbabayad kahit piso even though I explained na last money ko na ito."
Dagdag pa niya, "nakakapagod maging panganay. Right now shoulder ko rin lahat ng school needs ng mga kapatid ko."
"Kailan kaya nila ma-realize ang mali nila? Ang sakit, ang hirap maging isang human retirement plan/investment."
Habang isinusulat ito, umaabot na sa 3K reactions, 90 comments, at 1.5K shares ang naturang post.
Samantala, narito ang ilang komento ng netizens:
"So, parents casually commiting crimes with their children as their victims and people still expects said children to be grateful..."
"This is why the toxic side of our family ideals should be cut loose. Sadly, daming mga ganito sa mga skwammy, poor, and probinsyano places, sigh."
"I despised parents who do not respect their children.. I'm a mother too and I never ask from my children, and never get anything from them. I'm happy enough if they willingly gave me any amount. We parents are not entitled to whatever our children have.."
"May mga magulang talaga na pag alam nilang ikaw ang may konsensya ikaw ang eestresen."
"pag ganyang toxic, i would leave kahit mahirap. stop abuse by leaving. aabusuhin ka kasi napatunayan nilang me konsensya ka.."
"To all the panganay, hugs.."
"you know the only option is to leave but you cannot do it to your siblings.."
"yung ermat ko nga siningil ko sa utang nya sakin..kaso siningil nya naman ako sa pagpapalaki sakin kaya ayun. hnd na ako naningil.."
"This is so sad. Hope you get out of this situation."
---
Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula umano sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.