January 23, 2025

Home BALITA Metro

Operasyon ng LRT-1, suspendido ng 3 weekends ngayong Agosto

Operasyon ng LRT-1, suspendido ng 3 weekends ngayong Agosto
FILE PHOTO

Inanunsiyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na sususpindihin nila ang operasyon ng Light Rail Transit Line 3 (LRT-1) sa tatlong huling weekend ng Agosto.

Ito'y upang pabilisin ang paghahanda sa target na pagbubukas ng Cavite Extension Phase 1 sa ikaapat na bahagi ng 2024.

Sa abiso ng LRMC nitong Biyernes, nabatid na suspendido ang serbisyo ng LRT-1 sa Agosto 17 hanggang 18; Agosto 24 hanggang 25 at Agosto 31 hanggang Setyembre 1.

"LRT-1 will TEMPORARILY SUSPEND OPERATIONS for three (3) weekends to fast-track preparations for the expected opening of LRT-1 Cavite Extension Phase 1 in the 4th Quarter of 2024," anunsiyo pa ng LRMC.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

"During these periods, no commercial train service will be available from Fernando Poe Jr. Station to Baclaran Station," anito pa.

Tiniyak naman ng LRMC na ang temporary closures ng rail line ay magreresulta sa long-term convenience ng mga commuters, sa sandaling maging operational na ang pinalawak na LRT-1.

Pinayuhan din ng LRMC ang mga commuters na planuhin ang kanilang biyahe at gumamit na lamang ng ibang alternatibong transportasyon.