November 22, 2024

Home FEATURES Usapang Negosyo

Enrique Razon Jr., pinakamayaman sa 'Pinas; Manny Villar, pumangalawa

Enrique Razon Jr., pinakamayaman sa 'Pinas; Manny Villar, pumangalawa
Enrique Razon Jr. and Manny Villar (photo courtesy: Forbes/Website)

Nangunguna sa Top 10 Philippines' richest ang Sy siblings, ngunit sa indibidwal na bantayan, si Enrique Razon Jr. na ang pinakamayaman sa buong Pilipinas, at sumunod naman si Manny Villar. 

Base ito sa inilabas na listahan ng Forbes nitong Huwebes, Agosto 8.

Noong 2023, si Villar ang pinakamayaman na may net worth na $9.7 billion, at sinundan ni Razon kung saan nasa $8.1 billion ang net worth niya.

At ngayong 2024, tumaas sa $11.1 billion ang net worth ni Razon dahilan para maging "richest man" sa bansa, habang ang net worth naman ni Villar ay pumalo sa $10.9 billion.  

Usapang Negosyo

Kahit maagang naulila: Pinoy dishwasher, nagsumikap; isa nang restaurant owner

Si Enrique Razon Jr. ang chairman ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI), ang 'Philippines' largest ports operator by revenue,' ayon sa Forbes.

Siya na rin ngayon ang may hawak sa Manila Water nito lang Mayo 2024. 

Si Manuel Villar naman ang chairman ng property developer na Vista Land & Lifescapes na pinatatakbo ng kaniyang anak na si Manuel Paolo. 

Sa datos ng Forbes, mayroon siyang lima pang business entities kagaya ng Vistamalls, VistaREIT, AllHome, AllDay Marts, at Premiere Island Power REIT.

Samantala, narito ang kumpletong listahan ng top 10 Philippines' richest 2024, ayon sa Forbes.

1. Sy Siblings - $13 billion
2. Enrique Razon Jr. - $11.1 billion
3. Manuel Villar - $10.9 billion
4. Ramon Ang - $3.8 billion
5. Isidro Consunji and siblings - $3.4 billion
6. Tony Tan Caktiong - $2.9 billion
7. Lucio Tan - $2.65 billion
8. Jaime Zobel de Ayala - $2.6 billion
9. Lucio and Susan Co - $2.3 billion
10. Aboitiz Family - $2.2 billion.