June 15, 2025

Home BALITA National

ASEAN, nagtataguyod ng kapayapaan at pagkakaisa -- VP Sara

ASEAN, nagtataguyod ng kapayapaan at pagkakaisa -- VP Sara
Photo courtesy: Inday Sara Duterte/FB

Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang pagpapahalaga sa tungkulin ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagpapanatili raw ng kapayapaan sa Timog-Silangang Asya “sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa.”

Sa isang mensahe nitong Huwebes, Agosto 8, ipinaabot ni Duterte ang kaniyang pakikiisa sa pagdiriwang ng ASEAN Day.

Ayon sa bise presidente, pinahahalagahan din niya ang “pagtataguyod ng kahalagahan ng pagbibigay kapangyarihan sa mga kabataan at sa kolektibong responsibilidad ng bawat isa para sa kanilang kaligtasan at kapakanan.”

“Ipagdiwang natin ang patuloy na pagsisikap ng ASEAN sa pagtaguyod ng kapayapaan, pagkakaunawaan, at pagkakaisa hindi lamang ng mga bansang kasapi kundi ng buong mundo,” ani Duterte.

National

Kakulangan ng classroom, aabutin ng 55 taon bago masolusyunan—Sec. Angara

Binanggit din ng bise presidente na hindi lamang umano nagbubukas ng oportunidad ang ASEAN para sa lahat, kung nagbibigay rin daw ito ng pag-asa sa bawat indibidwal at kabataan.

“Tandaan din natin na ang suporta natin sa mga kabataan sa ASEAN ay magbubukas sa daan para sa kanilang tagumpay at sa tagumpay ng ating mga adhikain bilang nagkakaisang rehiyon,” saad pa ni Duterte.

Ngayong Agosto 8, 2024 ipinagdiriwang ang ika-56 pagkakatatag ng ASEAN, isang regional intergovernmental organisation na naglalayong isulong ang kooperasyon at integrasyon sa sampu nitong member states ng Southeast Asia, kabilang na ang Pilipinas.

Kasama ng Pilipinas sa ASEAN ang Brunei Darussalam, Burma, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand, at Vietnam.