January 22, 2025

Home SPORTS

PBBM, paiigtingin ang suporta sa mga kagaya ni Carlos Yulo

PBBM, paiigtingin ang suporta sa mga kagaya ni Carlos Yulo
Photo Courtesy: Bongbong Marcos (FB), Carlos Yulo (IG)

Paiigtingin umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang suportang ibibigay sa mga kagaya ni Filipino gymnast Carlos Yulo.

Sa panayam ng media sa pangulo nitong Miyerkules, Agosto 7, itatanong daw niya kay Yulo kung ano ang mga dapat gawin ng gobyerno upang dumami ang mga atletang makapag-uwi ng medalya.

“Kapag nagkita kami, itatanong ko sa kaniya ano ba ang maitutulong ng pamahalaan para mas dumami ang ating mga medalist sa Olympics. Nadaanan niya lahat ‘yan,” saad ni Marcos, Jr.

“Because alam naman natin, itong mga atleta, hindi lang ang sarili ang iniisip kundi ang pagandahin pa at maging mas maganda pa ang performance do’n sa sports nila at sa buong sports ng Pilipinas,” aniya.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Dagdag pa ng pangulo: “So, that’s really I think a more significant effort that’s why I will ask Caloy Yulo kung ano ba talaga sa palagay niya; ano pa ang pwedeng gawin ng pamahalaan para dumami ang katulad niya?”

Matatandaang tig-isang gintong medalya ang nasungkit ni Yulo sa vault finals at floor exercises ng men's artistic gymnastics.

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, matagal pinagdasal ang gintong medalya sa Olympics

MAKI-BALITA: The Golden Boy: Si Carlos Yulo at kaniyang dalawang gintong medalya

Pero bukod kay Yulo, mag-uuwi rin ang Filipina boxer na si Aira Villegas ng tansong medalya sa ginanap ding Paris Olympics 2024.

MAKI-BALITA: Aira Villegas sa mga Pilipino: 'Sana proud pa rin kayo sa akin'