November 22, 2024

Home BALITA National

Mga bakanteng posisyon sa DepEd, pinapupunan na ni Angara

Mga bakanteng posisyon sa DepEd, pinapupunan na ni Angara
Courtesy: Sonny Angara/FB

Inatasan na ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang lahat ng tanggapan ng ahensiya na punan ang lahat ng bakanteng posisyon upang higit pang maging epektibo at episyente ang paghahatid nila ng basic education services sa mga mamamayan.

Batay sa DepEd Memorandum No. 42, s. 2024, inatasan ni Angara ang DepEd Bureau at Service Directors sa Central Office, Regional Directors (RDs), at Schools Division Superintendents (SDSs) na gawin ang lahat ng pamamaraan upang mapabilis ang hiring at pagpupuno ng lahat ng bakanteng DepEd-authorized positions, kabilang na rito ang bagong likhang teaching at school-based non-teaching positions para sa Fiscal Year (FY) 2024.

Nabatid na alinsunod sa Department of Budget and Management-Government Manpower Information System (DBM-GMIS), hanggang Mayo 2024, ang DepEd ay mayroong 46,703 (4.53%) bakanteng posisyon mula sa 1,030,897 total authorized positions.

Ayon sa DepEd, “The identified remaining vacant items pose a challenge to the operations of offices and the absorptive capacity of DepEd.”

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“Further, DepEd directs all field offices to accomplish a catch-up plan, which can be downloaded through the link: bit.ly/UnfilledCatchUpPlan. The completed catch-up plan must be submitted to the Bureau of Human Resource and Organizational Development-Personnel Division (BHROD-PD) through the link: bit.ly/HiringCatchUpPlan on or before August 9, 2024,” anito pa.

Inaatasan din ni Angara ang lahat ng DepEd offices na magsagawa ng timely update sa kanilang Personal Services Itemization at Plantilla of Personnel, at DBM-GMIS database, gayundin sa iba pang monitoring tools, gaya ng Program Management Information System, Quick Count para sa FY 2024 items, at Deployment Monitoring Tool para sa school-based non-teaching items.