December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Abogado ng mga inireklamo, may isiniwalat tungkol sa text message ni Sandro!

Abogado ng mga inireklamo, may isiniwalat tungkol sa text message ni Sandro!
Photo courtesy: Sandro Muhlach (IG)/via PEP

May ibinunyag na pasabog ang kampo nina Jojo Nones at Richard Cruz, dalawang independent contractors ng GMA Network, na inireklamo ng kampo ni Sparkle artist Sandro Muhlach hinggil sa umano'y pangmomolestya sa kaniya sa isang hotel matapos ang pinag-usapang GMA Gala noong Hulyo.

Ayon sa ulat at artikulo ng PEP, nakatanggap sila ng mensahe mula sa legal counsel ng dalawa na si Atty. Maggie Abraham-Garduque noong Agosto 5, Lunes ng tanghali, na nagkukumpirmang natanggap na ng kampo nila ang formal complaints ng kampo ni Sandro, na inihain laban sa kanila ng ama nitong si Niño Muhlach. Binigyan daw sila ng limang araw para sagutin ang mga alegasyon o tanong laban sa kanila.

Ayon sa abogado, may ebidensya raw silang nagpapakita na si Sandro raw ang nag-initiate na magpunta sa hotel room kung saan naganap ang sinasabing pangmomolestya sa kaniya, taliwas umano sa nakalagay sa formal complaint ni Sandro na siya ang inayang magtungo sa hotel room.

Published as is, "In the formal complaint one of the allegations of Mr. Muhlach was he was lured by our clients to go up to the hotel room. However, his own evidence proves otherwise.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

“Based on the text messages, it was Mr. Muhlach who messaged Mr. Nones with ‘Andyan pa ba kayo sir Baka po pwede dumaan saglit haha.’”

Hanggang doon lamang daw ang naging sagot ng abogado at wala nang ibang detalyeng ibinigay kaugnay sa tunay na nangyari sa loob ng hotel room.

Isa pa raw sa mga nilinaw ni Atty. Margie, sexual harassment daw ang isinampang kaso laban sa kaniyang mga kliyente at hindi rape.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo naman ni Sandro kaugnay sa mga naibigay na detalye ng abogado ng kaniyang mga inirereklamo. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

MAKI-BALITA: Sandro Muhlach, nagsampa ng kaso vs GMA independent contractors