September 16, 2024

Xian Gaza, single na ulit
photos courtesy: Christian Albert Gaza/FB

Tila kinumpirma ng social media personality na si Xian Gaza na hiwalay na sila ng kaniyang Thai fiancé matapos niyang sabihing single na siya. 

Sa isang Facebook post nitong Linggo, may in-upload siyang screenshot ng conversation nila ng isang babae kung saan nabanggit niya na single na siya mula pa no'ng July 6. 

photo courtesy: Christian Albert Gaza/FB

Nilinaw naman niya sa comment section na wala raw malisya ang pakikipag-usap niya sa babae.

"Walang malisya or anything. Ako'y nabighani lamang sa kanyang kagandahan ng siya'y aking masilayan sa Friend Requests. Inappreciate ko lang."

Relasyon at Hiwalayan

Mommy ni Gerald Anderson, humihirit na ng apo?

Ang naturang post ay mukhang kumpirmasyon na hiwalay na sila ng kaniyang Thai fiancé.

photo courtesy: Christian Albert Gaza/FB

Matatandaang may makahulugang post ang ex-fiancé niya kung saan sinabi nitong ginawa umano niya ang best sa lahat ng sitwasyon.

BASAHIN: Xian Gaza, hiwalay na sa Thai girlfriend?

Hindi naman nag-react si Gaza tungkol sa post ng kaniyang ex-fiancé.

February 17  nang ma-engage ang dalawa. Katunayan, nangutang pa nga si Gaza ng pambili ng engagement ring kay Boss Toyo.

BASAHIN: Xian Gaza, nangutang kay Boss Toyo pambili ng engagement ring