December 22, 2024

Home FEATURES Trending

'Tissue girl' Jenny Chua, patok sa social media!

<b>'Tissue girl' Jenny Chua, patok sa social media!</b>
screenshot edssue.jennychua/TikTok

"Hindi ako spy dito 'Pinas. Tinda lang ako tissue hirap pa benta." 

Patok ngayon sa social media ang tissue girl na si Jenny Chua dahil sa kaniyang Pinoy-humor pagdating sa pagbebenta ng tissue online. 

Sikat ngayon sa TikTok si Jenny o minsan ay tinatawag na "Ate Jenny" dahil kuhang-kuha niya ang pagkakwela ng mga Pinoy. 

Madalas din siyang naka-live sa TikTok para magtinda ng tissue at iba pang mga bagay kagaya ng dishwashing soap, payong, lipstick, mop, at marami pang iba. 

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, makaraming naka-relate

Kasama niya rin minsan sa TikTok live ang mga social media personality na sina Esnyr, Fr. Fiel Pareja, Benedict Cua, Fhukerat, Aling Myrna, Perlas, Queen Dura, atbp. 

Base sa ilang mga TikTok live, isa raw Chinese ang 30-anyos na online seller. Pero aniya sa isang live, hindi raw siya spy. Nagtitinda lang daw siya ng tissue at ang hirap pa raw makabenta. 

Umabot ng 4.7 million views ang isang video na ineendorse niya 'yung tinda niyang tissue. Mayroon na rin siyang 2.3 million followers sa TikTok. 

Dahil sa isyu ni Suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na isa raw Chinese na mayor, maraming nagtatanong kay Jenny kung siya ba ay isang spy at kung siya raw ba ay lumaki sa farm.