Kasabay ng kasikatan at paghanga ngayon ng buong Pilipinas kay Filipino pride gymnast Carlos Yulo dahil sa tagumpay sa 2024 Paris Olympics ay kaakibat naman nito ang matinding kontrobersiya kaugnay sa kaniyang pamilya, partikular sa kaniyang inang si Angelica Yulo.
Matatandaang naging usap-usapan ang tila sigalot sa pagitan ng mag-ina kaya ang fline-flex umano ng ina ay ibang katunggali ni Carlos sa men's all-around, gaya na lamang ng pambato ng Japan na si Shinnosuke Oka na siyang nakasungkit ng gold medal habang pang-12 puwesto ang anak.
"Japan pa din Talaga.. lakas" caption ni Angelica matapos ibahagi ang isang ulat patungkol dito.
Nang manalo ang anak at sure ball na dadagsain ito ng cash incentives mula sa iba't ibang pribadong kompanya, indibidwal, at ahensyang pampamahalaan, binalikan ng mga netizen si Angelica at sinumbatan ito.
Nagtataka ang mga netizen sa mga nababasa nilang rant posts ni Angelica sa social media laban sa anak kaya hinala nila, mukhang fake account ito at ginagamit ang pangalan ng ina ni Carlos para sirain ang pangalan nito.
Ang latest post nga mula sa nabanggit na account ay nang sabihin nitong may karapatan siya sa mga makukuha ng anak dahil siya ang nagluwal sa kaniya.
Hindi na makapaniwala ang mga netizen na masasabi ito ng ina ni Carlos, kahit na sabihin pang hindi sila in good terms.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Mukhang hindi ito account ng nanay ni Carlos Yulo..."
"Medyo OA ha pero I think, I smell something fishy sa mga posts ni madir..."
"Parang hindi na yata nanay ni Carlos ito, baka may ibang gumagamit sa account na ito."
"I don't think magagawa ito ng nanay ni Carlos."
"True account pa ba ito ng nanay ni Carlos?"
Samantala, sinusugan naman ng isang artikulo ng Philippine Entertainment Portal (PEP) na hindi nga tunay na social media account ni Angelica ang pinag-uusapang rant posts.
MAKI-BALITA: Pasabog! Ermat ni Carlos Yulo, sinisisi ang jowa ng anak kaya nagkagalit sila?