Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Camarines Norte nitong Lunes ng umaga, Agosto 5.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), yumanig ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 10:34 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 67 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Tinaga Island sa Vinzons, Camarines Norte, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahang posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.