November 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sandro Muhlach, diring-diri sa ginawa ng GMA independent contractors

Sandro Muhlach, diring-diri sa ginawa ng GMA independent contractors
Photo Courtesy: Sandro Muhlach (IG), Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Tila matindi raw talaga ang naging epekto kay Kapuso Sparkle artist Sandro Muhlach ng ginawa umanong panghahalay sa kaniya ng dalawang GMA independent contractors.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz na hindi pa rin daw makatulog nang maayos si Sandro dahil lagi nitong naaalala ang nangyari.

“July 21 ito nangyari. Gano’n pa rin daw ang tulog ni Sandro. Nakakadalawang oras lamang daw itong bata kung makatulog dahil nga laging bumabalik sa alaala niya ‘yong nangyari na hindi niya kinaya

Dagdag pa niya: “Tuwing maliligo raw itong si Sandro, lagi niyang naaalala ‘yong nangyari at parang iniusal na lang daw no’ng bata sa sarili ‘yong ‘diring-diri ako sa ginawa sa akin. Ang dumi-dumi ng tingin ko sa sarili.’”

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

Matatandaang nagsimula ang tungkol sa isyung ito nang maglabas ng blind item ang Philippine Entertainment Portal (PEP) tungkol sa baguhang aktor na ginawang “midnight snak” umano ng dalawang TV executives. 

MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?

Kasunod nito ay nagbigay ng pahayag ang GMA Network kaugnay sa kumakalat na artikulo matapos itong pag-usapan sa iba’t ibang social media platform.

MAKI-BALITA: GMA Network naglabas ng pahayag kaugnay sa kinasangkutang insidente ng artist

Sa kasalukuyan, nakapagsampa na ng kaso si Sandro laban sa dalawang humalay umano sa kaniya. 

MAKI-BALITA: Sandro Muhlach, nagsampa ng kaso vs GMA independent contractors

Samantala, nakiusap naman ang mga akusado sa publiko na respetuhin ang proseso ng imbestigasyon hinggil sa nasabing isyu at huwag magpakalat ng mga walang basehang paratang.

MAKI-BALITA: GMA independent contractors sa kinasasangkutang isyu: 'Respect the investigation'