January 23, 2025

Home BALITA National

PCSO GM Mel Robles, kinasuhan si Maharlika

PCSO GM Mel Robles, kinasuhan si Maharlika
Photo courtesy: via Balita/Screenshot from Boldyak TV (YouTube)

Sinampahan ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades "Mel" Robles ng kasong defamation at invasion of privacy complaints ang vlogger na si Claire Contreras na mas kilala bilang "Maharlika,” sa Central District Court of California sa Amerika.

Ayon kay Robles, nararapat na umanong matapos ang halos isang taong paninirang-puri ni Maharlika sa kaniya at sa PCSO sa vlogs nito na mapapanood sa "Boldyak TV," ang YouTube channel ng vlogger.

bahagi ng complaint, "In more than 20 separate videos that were posted to the Internet and made available to the public, Ms. Contreras falsely accused the Robleses of everything from contract killing and assisting terrorists to stealing from the Filipino people."

Sa pagpapatuloy, "Her posts have extended to include images of the Robleses’ minor daughter, recklessly posted without concern for the harm the Robleses and their children are exposed to. Ms. Contreras’ posts have made Sherwil in particular afraid for the safety and well-being of her family, and especially, her children.”

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Ang hakbang na ito ay depensa umano ni Robles para sa pagdungis sa pangalan at integridad niya.

Si Maharlika na dating tagasuporta ng UniTeam, ay naging kritiko na ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at ang misis nitong si First Lady Liza Araneta-Marcos.