“Pati katukayo ni Golden Boy, may libreng tacos!”
May pa-libreng tacos ang Mexican restaurant na “MexiKanto” sa lahat ng may pangalang "Carlos," "Edriel," o "Yulo" bilang pagdiriwang sa pagkapanalo ng Pinoy gymnast na si Carlos Edriel Yulo sa Paris Olympics.
Matatandaang nitong Sabado, Agosto 3, nang magbunyi ang mga Pilipino matapos masungkit ni Yulo ang kauna-unahang ginto sa 2024 Paris Olympics nang manguna siya sa floor exercise ng men's artistic gymnastics sa puntos na 15.000.
“Celebrate with us as we honor Carlos Edriel Yulo for bringing home the GOLD! If your name is Carlos, Edriel, or Yulo, enjoy a FREE taco,” anang Mexikanto sa kanilang Facebook post.
Upang makuha ng mga katukayo ni Yulo ang free taco, kailangan lamang daw na bumilya ng kahit ano sa regular-priced items ng kahit saan nilang branch.
“Let's show our support to our Filipino Olympian! ” saad ng Mexikanto.
Si Yulo ang ikalawang Pilipinong nakapagkamit ng gintong medalya sa kasaysayan ng Olympics, una si Hidilyn Diaz na nanalo sa weightlifting noong 2020 Tokyo Olympics.
Kaugnay ng kaniyang makasaysayang tagumpay, inihayag ng Kamara na pagkakalooban nila ng ₱3 milyon si Yulo bilang pagkilala sa kaniyang naging makasaysayang tagumpay.
MAKI-BALITA: Carlos Yulo, makatatanggap ng P3M mula sa Kamara
Mayroon ding lifetime free buffet si Yulo mula sa Vikings Luxury Buffet restaurant.
MAKI-BALITA: Lifetime free buffet, ipinagkaloob kay Carlos Yulo
Narito pa ang mga “ginintuang premyo” na naghihintay sa Pinoy champ na si Yulo:
BASAHIN: Bukod sa medalya: Nag-uumapaw na 'ginintuang premyo,' naghihintay kay Carlos Yulo