Nagbigay ng pahayag ang Filipino gymnast na si Carlos Yulo matapos niyang makamit ang gintong medalya sa Paris Olympics 2024 sa floor exercises sa men's artistic gymnastics.
Sa panayam ng One News noong Sabado, Agosto 3, sinabi niya na matagal daw niyang pinagdasal ang tagumpay na ito.
“Sobrang overwhelming po ‘yong experience na ‘to sa akin. Wala pong lumalabas kundi pasasalamat sa Diyos na hindi niya ako pinabayaan; walang nangyaring masama sa amin,” saad ni Yulo.
“Matagal kong pinagdasal ‘to. Matagal kong pinagtrabahuhan ‘to kasama siya. Syempre kasama rin ‘yong mga staff,” dugtong pa niya.
Bukod dito, nagpaalala rin si Yulo na huwag mawalan ng pag-asa sapagkat lagi umanong nandyan ang Panginoon.
“Huwag po tayong mawawalan ng pag-asa. Nandyan ‘yong Panginoon, hindi tayo pababayaan. Mahal tayo niyan,” aniya.
Dahil sa tagumpay na ito ni Yulo, nag-uumapaw na ginintuang premyo, rewards, at incentives ang naghihintay sa kaniya tulad ng bagong condo unit, 3 milyong piso mula sa Kamara, at marami pang iba.
MAKI-BALITA; Bukod sa medalya: Nag-uumapaw na 'ginintuang premyo,' naghihintay kay Carlos Yulo