November 22, 2024

Home SPORTS

Carlos Yulo, makatatanggap ng P3M mula sa Kamara

Carlos Yulo, makatatanggap ng P3M mula sa Kamara
Carlos Yulo (AP via MB)

Magkakaloob ang House of Representatives ng ₱3 milyon para kay Olympic gold medalist Carlos Yulo bilang pagkilala sa kaniyang naging makasaysayang tagumpay.

Inanunsyo ito ni House appropriations panel chair at Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa isang Facebook post nitong Linggo, Agosto 4.

Matatandaang nitong Sabado, Agosto 3, nang magbunyi ang mga Pilipino matapos masungkit ni Yulo ang kauna-unahang ginto sa 2024 Paris Olympics nang manguna siya sa floor exercise ng men's artistic gymnastics sa puntos na 15.000.

Kaugnay nito, sinabi ni Co na pinatunayan ni Yulo na kaya ng mga Pilipinong makipagsabayan sa iba’t ibang mga bansa sa buong mundo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Our warmest congratulations to Carlos Yulo for securing the first Olympic gold medal for the Philippines at the Paris 2024 Olympic Games. His dedication and hard work have brought immense pride to our nation. Napatunayan ni Carlos na kayang makipagsabayan ng mga Pilipino sa buong mundo!” ani Co.

“In recognition of his historic accomplishment, the House of Representatives is honored to award Carlos ₱3,000,000. This reward reflects our support for his continued success and our commitment to fostering Filipino talent on the international stage.”

“Mabuhay ka Carlos! Mabuhay ang atletang Pilipino,” saad pa niya.

Si Yulo ang ikalawang Pilipinong nakapagkamit ng gintong medalya sa kasaysayan ng Olympics, una si Hidilyn Diaz na nanalo sa weightlifting noong 2020 Tokyo Olympics.