November 22, 2024

Home SHOWBIZ Blind Item

Blind item: Talent ng TV network naabuso rin, natatakot lumantad

Blind item: Talent ng TV network naabuso rin, natatakot lumantad
Photo courtesy: Freepik

Usap-usapan na naman ang blind item ng Philippine Entertainment Portal o PEP tungkol sa isang talent na nabiktima umano ng pangmomolestya ng isang empleyado ng isang TV network.

Matatandaang unang lumabas ang isang blind item patungkol sa isang baguhang aktor na minolestya ng dalawang "TV executives," na kalaunan, ay pinangalanan at tinukoy na rin bilang sina Sandro Muhlach at GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Sa bagong blind item ng PEP, isang talent nga raw ang nagreklamo laban sa isang empleyado ng TV network na umano'y nakaranas ng pangmomolestya sa kamay niya, isang hotel na hindi kalayuan sa building ng estasyon. Naganap daw ito noong Hulyo 23, 2022.

Natatakot daw lumantad ang biktima dahil baka baligtarin siya ng nabanggit na empleyado at maging dahilan para mawalan siya ng trabaho lalo na sa impluwensya raw nito sa kompanya.

Blind Item

Aktor, sinilbihan ng warrant of arrest dahil sa syndicated estafa?

Marami na raw ang nakakaalam ng tungkol sa nangyari, at may mga kaibigan daw ang biktima na nagnanais nang tulungan ito sa kaniyang paglantad. Nakaranas din kasi ng trauma ang talent kagaya ng naranasan ni Sandro.H

Walang mga kasariang tinukoy sa artikulo, subalit sa larawan ng PEP, makikitang tila silhouette ng lalaki ang inilagay nila, na maaaring representasyon sa kasarian ng biktima. 

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, ay wala pang napapangalan kung sino-sino ang involved sa nabanggit na blind item.

MAKI-BALITA: Sandro Muhlach, nagsampa ng kaso vs GMA independent contractors